Tuesday, November 24, 2009

My Favorite Band Ever...

Eraserheads...Dati ay naririnig ko palang ang mga kanta nila noong ako ay wala pa sa tamang edad.Kinakanta ito pero hindi alama na sila pala ang kumanta nito.Naalala ko na kinakanta namin ng mga barkada ko sa videoke ang kanta nilang "Toyang" pero hindi alamna sila ang nasa likod ng magandang awit na iyon.Naging updated ako sa Eraserheads ng marinig ko ang mga kanta nila mula sa tribute album na Ultraelectromagnetic Jam.Dito nagsimula ang pagiging loyal fans ko sa grupo.Lahat ginawa ko para mas makilala ko pa sila kasi hindi ko nasaksihan ang kanilang kasikatan nung buo pa silang banda.Nagsimula akong magsearch tungkol sa grupo sa internet,mga videos,albums,images,at ang kanilang mga kanta.

Nung marinig ko ang balita na magkakaroon ng reunion concert ang grupo natuwa ako kasi tulo-tuloy pa rin ang kanilang kasikatan kahit na nagbreak-up na sila.Sayang nga at hindi ako nakapanood pero atleast may mga videos sa internet.nkakapanghinayang nga at hindi na sila magiging isang banda pa dahil may kanya-kanya na silang banda.Nung final set nawala ang pag-asa na magkabalikan ang banda ng isigaw ni Ely ang 'Eto na ang Huling El Bimbo' at ng sunugin ang "Sticker Happy Piano" sayang...

Sana gayahin nila ang The Dawn na kahit nagbreak-up after reunion they continue as their band kahit may mga iba ng umalis.mahalaga ay nagbalik ang banda at nabuhayan ang mga fans.I hope na pwede pang mangyari yun sa Eraserheads.


\m/
Eraserheads



No comments:

Post a Comment